Pages

Dinengdeng


Ang dinengdeng ay isang ulam sa Pilipinas na patok na patok sa mga Ilokano. Ito ay  halos katulad ng  pinakbet. Tinatawag rin itong "inabraw". Ang pangunahing sangkap nito ay bagong. Ang pinakbet ay may kaunting gulay at kadalasan ay may kalabasa. Ngunit ang dinengdeng ay mayroong iba't ibang klaseng gulay.

Dinengdeng Festival ng Bayan ng Agoo, La Union.
Image Source:
Narito ang mga sumusunod na gulay na maaring ilagay sa ating dinengdeng: dahon ng malunggay, bunga ng malunggay, kalabasa, ampalaya at dahon nito, kamote, tabungaw, kabatiti, sitaw at maging ang talbos nito, okra, beans, parda beans o chicharo, mga kabute, labong at marami pang iba pa.

Upang maging masustansya ang ating dinengdeng ay nilalagyan rin ito ng mga karne,isda, hipon na nagbibigay protina sa ating katawan.

Alam nyu ba na mayroon din Dinengdeng Festival? Ipinagdiriwang ito sa bayan ng Agoo, La Union. Taon-taon itong nagaganap tuwing sasapit ang tag-araw. Layunin ng pagdiriwang na ito na ipalaganap ang lokal na turismo sa bayan. Noon ay Tabako Festival ang kanilang ipinagdiriwang pero ng kalaunan ay pinalitan ito ng Dinengdeng Festival dahil rin sa sari-saring gulay na makikita sa bayan. Ngayon ay kilala na sa buong bansa ang pagdiriwang na ito kagaya ng Bangus Festival sa Dagupan, Pangasinan at Panagbenga Festival sa Baguio City.

Anong ulam mo ngayon? Nakakagutom tuloy. 

Narito ang mga sumusunod na mga larawan ng mga patok na uri ng dinengdeng.

Dinengdeng na kabute! Wow!
Image Source:


Dinengdeng na may kalabasa, beans at ano na nga ba ang tawag dito sa berdeng malambot? Bungon ba?
Image Source:


Dinengdeng na may bangus
Image Source:


Dinengdeng sigarilyas, pakak, bulaklak ng kalabasa.
Image Source:

No comments:

Post a Comment

Check this Out