Pages

Kinagat ng Dragon na Komodo

Image Source:

Ang isang tourist ay inaatake ng isang Komodo dragon sa East Nusa Tenggara sa lalawigan ng Indonesia.

Sinabi ng mga Park rangers ang insidente ay "ang pinaka una sa nakalipas na limang taon".

Makikita sa isang maliit na grupo sa mga isla sa Indonesia ang mga Komodo dragons. Sila ay pinakamalaking butiki sa mundo at mayroong makamandag na kagat.

Ang 50-anyos na biktimang si Lon Lee Alle, isang Singaporean , binalewala niya ang babala sa pasyalan na bawal ang kumuha ng letrato at lumapit sa mga ito.

Siya ay malubhang nakagat sa kanyang kaliwang binti.
Ayaw ng mga komodo dragon na naabala sila kapag sila ay kumakain, maaaring lumapit sya mismo dito para kunan ng litrato ayon kay Chief Sudiyono ng Komodo National Park.

Naganap ang insidente malayo mula sa itinalagang lugar para makita ang mga komodo dragon.

Ayon sa mga eksperto, huwag ipagsapalaran ang kanilang kaligtasan sa pagkuha ng litrato at paglapit sa mga komodo dragons. 

Image Source:

Pagkatapos ng  isang madugong pangyayari, si Mr. Alle ay itinakbo palayo sa park at malayo sa mga tao. Sakay ng speed boat siya ay itinakbo sa pinakmalpit na ospital. Siya ngayo ay kasalukuyang tumatanggap ng lunas.

No comments:

Post a Comment

Check this Out